Para sa Linggong ito aming pinalawak ang talakayan tungkol sa Elehiya. Kasabay sa pagtalakay nito, isinama na rin ang Dalit at Odu. Ngunit ngayong Biyernes nga lang kami nagkita-kita, dahil sa dalawang araw ng aming klase sa Filipino ay wala si Gng. Mixto. Ngunit may pinaiwang gawain si G. Mixto na aming isusulat sa sasagutan saisang buong papel.
Noong Martes ay walang klase dahil ito'y sinuspinde ng ating Pamahalaan dala ng masamang kalagayan ng panahon dahil sa Bagyong Ruby. Ganoon pa man, gumawa na lamang ako ng takdang aralin na naibigay sa amin noong nakaraang biyernes.
Noong Miyerkules naman, hindi kami nakapasok sa klase ng Filipino dahil ang lahat ng mga manunulat ng Umalohokan at Stentor ay excuse sa kadahilanang kailangan namin ng tama at sapat na oras para matapos ang lahat ng tatapusiong arikulo na ilalagay sa aming dyaryo. Ang oras ng Filipino at English ay ginamit namin para nga dito. Noong uwian na lamang ako kumopya sa aking mga kaklase. Kinakailangan naming magkaroon ng kopya ng "Ang mga Dalit kay Maria"
Noong Huwebes naman, ang mga manunulat lamang ng Stentor ang excuse at hindi kabilang ang Umalohokan. Kami ay nagkaroon ng pagpupulong kasama ng aming Guro sa dyaryo. Naging napakamabigat na parte iyon ng aming pagkikita-kita nang makita namin ang pagbuhos ng sama ng loob ng aming guro sa amin. Naging masakit para sa amin ang makitang nahihirapan ang aming Guro, na kung tutuusin, ni hindi siya nagkulang sa lahat lahat ng dapat naming malaman at matutunan, pero wala kaming naisukli sa kanya. Kumopya na lang ulit ako sa aking mga kaklase.
Ngayong Biyernes, ako ay lumiban sa klase kasama ng aking kaibigan na si Nica dahil kami ay kukuha ng Scholarship galing sa ating Congressman. Nagtanong-tanong na lamang kami sa aming mga kaklase at kumopya na rin ng mga natalakay.
Maligayang pagdating sa aking Blog! Sana ay masiyahan kayo sa pagbisita. Salamat :)
Biyernes, Disyembre 12, 2014
Biyernes, Disyembre 5, 2014
Ikalimang Linggo sa Ikatlong Markahan
Para sa buong Linggong ito, naging maayos naman ang aming talakayan. Mas pinalawak pa namin ang pagtalakay sa parabula. Noong Martes, unang-una naming ginawa ang magbalik-aral patungkol sa parabula ng banga. Naging malaking tulong sa akin ang balik-aral para lubusan kong maintindihan ang tinalakay nila sa araw na ako'y wala sa klase. Ngayon ay naintindihan ko na ang parabula ng banga. Sa araw na ring iyon, nagbigay si Gng. Mixto ng pagsusulit. Ang pagsusulit ay tungkol sa pagbibigay ng literal at simbolikong kahulugan ng mga salitang ginamit. tulad na lamang ng ahas. Ang literal na kahulugan nito ay isang klase ng hayop na makamandag, samantalang ang metaporikal na kahulugan naman ay taong traydor, taksil, o di mapagkakatiwalaan. Ginamit namin sa pangungusap ang 10 salitang iyon. Nang may ilang minuto pa kaming natitira, sinagutan namin iyon. Sa ilang mga bilang, naiiba ang sagot na ibinigay ni Gng. Mixto sa sagot ko. Nag-alala ako at baka marami akong mali.
Miyerkules, wala ako sa klase ng Filipino dahil ako ay dumalo sa Seminar tungkolsa HIV kasama pa ng ibang Red Cross Oficers at ng mga estudyante ng ikaapat ng baitang. Nagbilin ako sa aking kaibigan na si Arlante na papirmahin ang mga guro sa ginawa kong excuse letter. Ganoon pa man, kumopya na lamang ako ng mga notes sa aking kaklase na si Agoncillo. Ipinagbilin din nila sa akin na may ibinigay na takdang aralin, at iyon nga ay ang gumawa kami ng sarili naming parabula. Mabuti na lamang at nandyan ang aking mga kaklaseng handa akong tulungan.
Kinabukasan, aming ipinasa ang aming mga gawa. Nagtaka ako kung bakit hindi pumili doon si Gng. Mixto ng kahit isa para magbahagi ng kanilang parabula. Gustong gusto ko pa naman sanang mapakinggan ang kanilang mga gawa. Ganuon pa man, napawi ang aking kalungkutan nang magtanong si Gng. Mixto tungkol sa kung ano ba ang aming ginagawa pag kami ay nakararanas ng matinding problema. Ang sagot ko tungkol dito, inilalabas ko ang aking saloobin sa pagsusulat. Katulad ng iba ko pang kaklase, kapag ako ay galit, kumukuha ako ng ballpen at papel at doon ko nilalabas ang tindi ng galit ko. Kapag natapos ko nang isulat iyon ay babasahin ko nang paulit-ulit. Kung may kulang pa ay dadagdagan ko pa. Doon nababawasan ang galit ko.
Pinakinggan namin ang voice record ng isang anak na gustong humingi ng tawad sa kanyang mga magulang at nangakong sila'y aalagan ngayong matatanda na sila. Medyo na-touch ako sa kanyang mensahe, dahil ako bilang anak, ay nakakarelate din sa kwento niya. Sana ganyan din ako katapang, para naman kahit sa simpleng voice record lang ay maipahatid mo sa kanila ang matagal mo nang di masabi-sabing, mahal mo sila. Habang nakikinig, sinasagutan na rin namin ang Gawain 1. Pagkatapos ng Gawain 1, ang Gawain 2 naman ang sumunod. Inilagay namin ito sa kalahating bahagi ng papel at nagbahagi ang ilan sa aking mga kaklase.
Biyernes, tinalakay namin kung ano nga ba ang Elehiya. Nagbigay si Gng. Mixto ng takdang aralin at ito ay ang magkaroon kami ng kopya ng Elehiya sa Kamatayan ng aking Kapatid. Nagkaroon kami ng tatlong bersyo ng akdang ito ngunit napagpasyahan na ang salin ni Teresita Laxima na lang ang sundin. Si mae Batitia ang ay bolunterismong nagbasa nito. Ngunit nakakapuna nga na mukhang hindi niya naipakita sa kanyang pagbabasa ang nararapat na damdamin. Maganda ang kanyang pagbabasa ngunit walang damdamin. Natutunan ko na ang elehiya ay isang tula na may mabigat at malungkot na damdamin. Nagkaroon din kami ng pangkatan na bawat grupo ay magbibigay kahulugan sa mas mababaw na salita. Madalilang naman ang napunta sa aming grupo.

Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)