Para sa Linggong ito aming pinalawak ang talakayan tungkol sa Elehiya. Kasabay sa pagtalakay nito, isinama na rin ang Dalit at Odu. Ngunit ngayong Biyernes nga lang kami nagkita-kita, dahil sa dalawang araw ng aming klase sa Filipino ay wala si Gng. Mixto. Ngunit may pinaiwang gawain si G. Mixto na aming isusulat sa sasagutan saisang buong papel.
Noong Martes ay walang klase dahil ito'y sinuspinde ng ating Pamahalaan dala ng masamang kalagayan ng panahon dahil sa Bagyong Ruby. Ganoon pa man, gumawa na lamang ako ng takdang aralin na naibigay sa amin noong nakaraang biyernes.
Noong Miyerkules naman, hindi kami nakapasok sa klase ng Filipino dahil ang lahat ng mga manunulat ng Umalohokan at Stentor ay excuse sa kadahilanang kailangan namin ng tama at sapat na oras para matapos ang lahat ng tatapusiong arikulo na ilalagay sa aming dyaryo. Ang oras ng Filipino at English ay ginamit namin para nga dito. Noong uwian na lamang ako kumopya sa aking mga kaklase. Kinakailangan naming magkaroon ng kopya ng "Ang mga Dalit kay Maria"
Noong Huwebes naman, ang mga manunulat lamang ng Stentor ang excuse at hindi kabilang ang Umalohokan. Kami ay nagkaroon ng pagpupulong kasama ng aming Guro sa dyaryo. Naging napakamabigat na parte iyon ng aming pagkikita-kita nang makita namin ang pagbuhos ng sama ng loob ng aming guro sa amin. Naging masakit para sa amin ang makitang nahihirapan ang aming Guro, na kung tutuusin, ni hindi siya nagkulang sa lahat lahat ng dapat naming malaman at matutunan, pero wala kaming naisukli sa kanya. Kumopya na lang ulit ako sa aking mga kaklase.
Ngayong Biyernes, ako ay lumiban sa klase kasama ng aking kaibigan na si Nica dahil kami ay kukuha ng Scholarship galing sa ating Congressman. Nagtanong-tanong na lamang kami sa aming mga kaklase at kumopya na rin ng mga natalakay.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento