Dalawang araw lang ang pagkaklase namin ngayong Linggong ito, dahil magbabakasyon na. Sa dalawang araw na iyon, si Bb. Basbas ang humalili sa amin sapagkat wala si Gng. Mixto. Maaaring maraming kailangang ayusin si Gng. Mixto.
Para sa aming unang araw (Martes), kami ay nagbalik-aral tungkol sa mga akdang Elehiya para sa Kamatayan ni Kuya at ang Ang Dalit kay Maria. Nagbigay ng ilang katanungan si Bb. Basbas sa amin at ito nama'y aming sasagutan upang masigurado na may natutunan nga kami. Pagkatapos ay pumunta na kami sa sunod pang akda, ang Kung tuyo na ang luha mo, aking Bayan ni Amado Hernandez. Sa pagkakataong ito, hindi ko pa napiprint ang aking kopya sapagkat sarado na ang Computer Shop para ako ay magpaprint. May dala-dala akong usb at doon ito nakalagay, ngunit wala namang silbi iyon. Kaya naman, humiram na lamang ako ng kopya kay Agoncillo at iyon ay aming binasa. Pagkatapos naming mabasa iyon, nagbigay si Bb. Basbas ng mga katanungan patungkol sa aming binasa. Ngayong araw din na ito, binalikan namin ang mga huli naming tinalakay noong nakaraang Linggo. Ito ay ang Elehiya, Oda/Himno, at Dalit.
Sa sumunod na araw (Miyerkules). Inatasan kami kahapon ni Bb. Basbas na magdala ng makulay na papel na may disenyo sa gilid nito dahil kamiay gagawa ng sarili naming elehiya. Ngunit bago pa man kami dumiretso sa gawaing iyon, tinalakay muna namin ang tungkol sa pagpapasidhi ng damdamin. Natutunan ko ngayong araw na ito na ang mga salita pala na ginagamit dito ay may magkakaparehas na kahulugan, ngunit magkaiba nga lamang ng lebel ng emosyon. Nagkaroon kami ng maikling pagsasanay tungkol dito. Pagkatapos, ipinaliwanag na ni Bb. Basbas ang gagawin naming elehiya. Gagawa kami ng elehiya sa namatay naming kaibigang sundalo. Sa paggawa ng sariling elehiya, hindi ito gaanong mahirap ngunit, ang nagagawa ko ay may tugma, pero ang ipinapagawa sa amin ay Malaya. Mabuti na lamang at napalitan ko iyon at nagawa ng maayos.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento