Ikaapat na markahan na! Lumipas na naman ang isa pang markahan na parang hindi ko nararamdaman. Ganuon na lang siguro kapag hindi ka masyadong nababagot at hindi mo masyadong ninanamnam ang oras. Magkahalong saya at lungkot ang naramdaman ko sa pagsisimula ng ikaapat na markahan. Masaya dahil malapit na ang bakasyon. Ang bakasyon na kung saan makahihinga ako ng maluwag sa gawaing Pampaaralan. Malungkot, dahil ang kapalaran ng aming pangkat ay walang kasiguraduhan. Magkakaroon kami ng qualifying exam. Kapag hindi kami nakapasa dito, siguradong hindi na kami tatanggapin sa pilot section sa susunod na taon. Nakalulungkot lang isipin na ang inaalagaan naming relasyon sa aming klase ay mabuwag. Nasanay na kaming lagging magkakasama, sa lungkot man o saya.
Ngayong Ikaapat na Markahan, ang tanging tatalakayin lamang namin ay tungkol sa aklat na Noli Me Tangerena isinulat ni Dr. Jose P. Rizal na ating pambansang bayani. Noong Miyerkules, kami ay nagwasto ng aming mga papel sa pagsusulit, pagkatapos ay nagcorrect response kami. Sa sumunod na araw, Huwebes, prinisinta na sa amin ni Gng. Mixto ang mga matatalakay ngayong ikaapat na markahan. Ang Noli Me Tangere o "Touch Me Not" sa Ingles. Ibinigay ni Gng. Mixto ang pokus na tanong na aming sasagutin pagkatapos ng markahan, ngunit ang unang bilang ay may paunang sagot na kami. Ibinigay din ni Gng. Mixto ang produkto naming ngayong markahang ito. Gagawa na naman uli kami ng Movie Trailer. Kailangan naming itong paghandaan dahil bukod sa Movie Trailer, may short film pa.
Noong Biyernes naman, wala si Gng. Mixto, kung kaya naman, si G. Mixto ang humalili sa aming klase. Nagkaroon kami ng paunang pagtataya. Mababa ang iskor na nakuha ko rito. Patunay lang ito na wala pa akong masyadong alam tungkol sa Noli Me Tangere. Pagsisikapan kong pag-aralan ito para naman hindi ako kulelat pagdating sa mga pagsusulit. Iyon lamang ang aking repleksyon para sa Linggong ito. Adios!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento