Ang aming guro ay wala sa Linggong ito dahil siya ay nasa RSPC (Regional Schools Press Conference) na kung saan dinaluhan ng ilan sa aking kamag-aral at mga kaklase. Kabilang dito ang aking matalik na kaibigan na si Jennica. Sinabi ko sa sarili ko na mamimiss ko siya sa ilang araw lang na di pagkikita. Paniguradong marami siyang ikekwento sa akin sa kanyang pagbabalik. Si Ginoong Mixto ang naging guro namin ngayong Linggong ito. Tinalakay namin ang mga tauhan ng nobela. Nalaman ko na ang nobelang ito ay hindi basta bastang ordinaryong nobela, ito ay nobela na punong-puno ng ga karakter na may kanya kanyang katauhan at distinksyon. Kumbaga sa isang puno, ito'y hitik sa bunga.Kaugnay nito, may mga linyang binitiwan ang ibang karakter ng nobela at ito'y aming pinag-usapan at tinalakay.
Sa huling araw ng klase, minabuti ng Antimony na nakapagbasa-basa kami ng mga kabanata sa Noli Me Tangere na may kinalaman sa mga tauhan nito. Pagdating ko sa Paaralan, nakita ko ang mga kaklase ko na nagbabasa ng libro, kaya't minabuti ko na lang rin na makisama sa kanila. Sa pagdating ng aming guro, agad niya kami tinanong kung nakapagbasa na ba kami, at sumagot naman kami. Sinimulan niya sa simpleng tanong ang araw namin sa klase. Saan namin ibinabatay ang mga tauhan sa aming istorya? Kung ako ang tatanungin, ibinabatay ko ang mga tauhan sa istorya sa mga taong nakapaligid sa akin. Lalong-lalo na sa aking mga malalapit na kaibigan at iba pang mga kakilala. Hindi ko sinasakto sa kwento ang kanilang mga pag-uugali. Inilalagay ko rito ang mga bagay na nagawa nila na may malaking impact sa akin. Ang anong na ito ay may kaugnayan sa aming talakayan, ito ay ang mga taong kinakatawan ng ilang tauhan sa Noli Me Tangere. Binigyan kami ng takdang aralin na babasahin ng mga kabanata sa Noli Me Tagere na may kaugnayan kay Crisostomo Ibarra.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento