Biyernes, Pebrero 20, 2015

Ikaanim na Linggo sa Ikaapat na Markahan

Sa ikaanim na Linggo para sa Ikaapat na Markahan, umikot ang buong talakayan sa mga mahahalagang pangyayari kay Ibarra, na nangyari naman na pangunahing tauhan at ang bida ng nobelang Noli Me Tangere. 
Maraming mahahalagang pangyayari ang naganap, kung kaya naman, naging pangkatang gawain namin ang suriin kung ano nga ba ang tunay na pagkatao ni Ibarra. 

Sa pangkat namin (1), kami ay naatasang iulat ang mga naging hangarin ni Crisostomo Ibarra at mga banta sa kanya. Sa aming kalapit na grupo naman (2), naatasan silang alamin ang pagkatao ni Ibarra bilang isang anak. Sa pangkat 3, ay ang buhay pag-ibig ni Ibarra. Dito papasok ang isa sa mahahalagang tauhan rin ng Noli Me Tangere na si Maria Clara. At ang panghuli, ang pangkat 4, napunta sa kanila ang mga pangyayari sa pagdating ni Ibarra sa Pilipinas mula sa Europa.

Ang pag-uulat ng bawat grupo ay nagsimula sa pangkat 4 hanggang sa aming pangkat. Noong nakaraang Martes, ang akala ko'y ang nasabing pangkatan ay magiging takdang aralin na lamang, ngunit nagulat ako nang sabihin ng aming guro na kami ay may sampung minuto para ito ay gawin at tapusin. Nang araw na rin na iyon ay hindi namin natapos, kaya't ginawa na lamang na takdang aralin. Hindi rin naman kasi handa ang bawat grupo. Ang pag-uulat ay nitong Huwebes nagsimula. Maayos naman ang pag-uulat nila, nakakainggit nga lang dahil ang pangkat namin ay wala man lang role playing na magaganap. Dalawang pangkat lamang ang nag-ulat dahil ipinanuod sa amin ang palabas na Boifacio: Ang Unang Pangulo kasama ng mga estudyante ng pangkat Assertiveness. Ngayong Biyernes natuloy ang pag-uulat ng pangkat 2 kasama ng aming pangkat. Pagkatapos, ay binuod namin ang bawat kabanat ng Noli Me Tangere sa pammagitan ng Slideshow na inihanda sa amin ng aming guro. Pagkatapos ay iniwanan kami na tanong, "Biktima nga ba ng pagkakataon si Crisostomo Ibarra?" At oo ang sagot ko para rito. Nag-ugat ito lahat sa galit sa kanya ni Padre Damaso. Dahil sa galit na iyon, kumbaga sa ingles, ay may domino effect na sa kanyang buhay. Nag-iwan ang aming guro ng takdang aralin. At ito ay alamin kung bakit biglang nag-iba ang desisyon ni Elias, kung kailan doon naman siya sinang-ayunan ni Ibarra na magkaroon ng pag-aaklas. 







Walang komento:

Mag-post ng isang Komento