Ngayong Linggong ito, aming tinalakay ang iba pang mahahalagang tauhan ng Noli Me Tangere na sina Elias, Maria Clara, at si Sisa. Nagustuhan ko ang mga pangyayari sa buhay ng tauhan na si Elias. Ang salitang sakripisyo ay kulang pa kung akin siyang ilalarawan dahil sa pagtulong niya kay Ibarra sa kabila ng natuklasan niyang ang mga ninuno ni Ibarra ang nagdulot ng kabiguan sa kanyang mga kamag-anak.
Noong Martes, aming tinalakay si Elias. Gaya ng nasabi, si Elias ay isag piloto ng bangka, rebelde at matulunging kaibigan. Tinanong kami ng aming guro kung ano ang mangyayari kung ang isang tao ay nakaranas ng kabiguan. Isang salita ang pumasok sa aking isipan nang marinig ko iyon, "paghihiganti". Ito ang kalimitang nangyayari sa mga napapanood o nababasa kong mga totoong istorya. Katulad ni Elias, siya rin ay nakaranas ng kabiguan. Noong mga oras din na iyon, ibinigay sa amin ang mga gabay na tanong patungkol kay Elias. May pinasagutan ding puzzle sa amin, at aming huhulaan kung ano ang salitang hinihingi batay sa clue nito. Pagkatapos ay isa isa nang nag-ulat ang bawat grupo. ang napunta sa aming grupo ay ang uang bilang, si Elias at Salome. Napabilib ako sa ginawang pagpili ni Elias sa pagitan ng kanyang bayan at sa kanyang iniibig na si Salome. Ang bayan ang kanyang pinili, patunay lang ito na may malasakit siya dito.
Naunang ag-ulat ang pangkat 4 at kami naman ang panghuli. Nang matapos ang pag-uulat, isa-isa itong tinalakay ng aming guro. Binigyan kaming takdang aralin na ilalagay sa isang buong papel.
Sa sumunod na araw naman, kami ay nagkaroon ng pangkatang gawain. Ang pangkatang gawain na ito ay ibinatay sa aming takdang aralin. Napunta sa aming grupo ang ikatlong tanong, "sang-ayon ba kayo sa pagkakatanggal ng bahaging naglalahad sa damdamin ni Elias at Salome sa nobela? Bakit?" Kami aty nagkaroon ng dalawang kasagutan, oo at hindi. Para naman sa akin, ang sagot ko ay hindi, dahil mas maganda kung inilahad ito doon para mas nabigyan ng hustisya kung paano magmahal si Elias hindi lang sa kanyang bayan, kundi sa isang tao na mahalaga sa kanya. Naging maayos at maganda ang pag-uulat ng bawat grupo dahil nagustuhan ito ng aming guro.
Huwebes, wala kaming pasok dahil ito ay National Achievement Test ng ga 4rth Year. Binigyan kami ng takdang aralin, at ito ang magbasa ng mga kabanata sa Noli Me Tangere na may kaugnayan kay Maria Clara at Sisa. Kaya't ngayong Biyernes, ito na ang naging talakayan namin. Nagpakita ng dalawang larawan ang aming guro, mga pilipina noon at ngayon at amin itong pinagkumpara. Ang mga babae noon ay mahinhin at konserbatibo, ngayon naman ay bukas na sa lahat ang kanilang mga katauhan. Marami ang kabanata para kay Maria Clara at iilan lamang ang kay Sisa. Ito ay aming tinalakay. Binigyan muli kami ng takdang aralin.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento