Ngayong Linggong ito, aming napag-aralan ang tungkol sa Parabula at Talinghaga. Dalawang araw lamang akong nasa klase dahil ako ay naghahanda para sa kompetisyon ng Oration sa Division noong Huwebes at Biyernes.
Noong Martes, pumunta na kami sa panibagong pag-aaralan at tatalakayin. Nagbigay si Gng. Mixto sa amin ng takdang aralin noong nakaraang Biyernes. Ito ay babasahin namin ang isang parabula na nanggaling sa banal na aklat, ang bibliya. Sa katunayan, nang sabihing parabula ang mga kwento sa bibliya, nagulat ako dahil ngayon ko lang nalaman na ang tawag pala doon ay parabula. Na ang akala ko noon, ang parabula ay isa pang katawagan sa pabula. Ngunit magkaiba pala ito.
Hindi muna namin pinagtuunan ang binigay na takdang aralin. Sa araw na ito tinalakay namin kung ano nga ba kahulugan ng parabula at talinghaga. Para sa parabula, nagtaas ng kamay si Agoncillo. Para sa kanya ang parabula ay maikling kwento na nagpapahaya tungkol sa relihiyon at moral na kaisipan. Sumasang-ayon ako sa kanya. Matapos, ay tinanong ni Gng. Mixto kung ano ang kaibahan ng parabula sa pabula. Ang parabula, kagaya nga ng sabi ay maikling kwento na may moral na kaisipan, karamihan nito a matatagpuan sa bibliya, samantalang ang pabula naman ay mga hayop ang ginagamit na tauhan ngunit may aral din naman.
Matapos noon ay ipinaliwanag din namin ang talinghaga. Ang talinghaga ay pangungusap, parirala, o isang salaysay na may malalim o hindi tuwirang kahulugan na kailangang pag-isipang mabuti at maunawaan. Nang maipaliwanag na ito, kami'y nagkaroon ng maikling pagsusulit. Sa ikaapat na bahagi lamang ng papel ito inilagay. Ang pagsusulit ay tungkol sa pagbibigay ng kahulugan sa mas mababaw na salita ng mga salitang may malalalim na kahulugan. Naging madali lang ito para sa akin, at pati na rin sa aking mga kaklase dahil pamilyar na kami sa mga salitang ginamit.
Nagkaroon din kami ng pangkatan ng araw na iyon. May talinghagang napunta sa bawat grupo at ipapaliwanag nila ito. Sinagutan muna naming ang unang halimbawa para magsilbing gabay sa amin. Para sa grupo naming, nagging mahirap ito dahil hindi naming masyadong maintindihan ang talinghaga. Mabuti na lamang at nagawan ito ng paraan ng isa sa aking kagrupo, si Mae Batitia. Hindi natapos ang pangkatan, kaya't ang dalawang grupo ay sa susunod na araw na lamang mag-uulat.
Miyerkules, ipinagpatuloy ang pag-uulat ng dalawang pangkat. Sa pangkat tatlo, si Jennica ang nag-ulat at sa pangkat apat naman ay si Harvey. Ngayong araw na ring ito, binasa na namin ang aming takdang aralin. Naguluhan lang ako sa bandang dulo ng talinghaga. Ang nahuhuli ay mauuna, at ang nauuna ay mahuhuli. Hindi ko mahanap ang mismong gusting iparating nito sa atin. Nagbigay si Gng. Mixto ng takdang aralin. Bibigyan namin ng kahulugang literal, simboliko at espiritwal ang mga salitang ibinigay.
Maligayang pagdating sa aking Blog! Sana ay masiyahan kayo sa pagbisita. Salamat :)
Sabado, Nobyembre 29, 2014
Biyernes, Nobyembre 21, 2014
Ikatlong Linggo sa Ikaltlong Markahan
Ngayong Linggong ito, nagbalik na si Gng. Mixto sa klase. Kanya munang inalam kung ano nga ba ang mga natutunan namin sa paghahambing noong nakaraang Linggong wala siya. Nagbigay siya ng ilang pahapyaw tungkol dito. Kanya ring ipinaliwanag ang pagkakaiba ng gamit ng pam-, pan-, at pang. Tulad ng pambata at pangbata. Ang pambata ay ginagamit kung ang isang bagay tulad ng manika ay para sa bata. Ang pangbata naman ay ginagamit kung halimbawa ang larong bahay-bahayan ay mga bata lamang ang naglalaro. Pagkatapos ay nagbigay si Gng. Mixto ng takdang aralin na ilalagay sa isang buong papel. Kailangan naming paghambingin ang dalawang movie/palabas na may magkaparehong tema gamit ang pahambing na magkatulad at di-magkatulad.
Nang sumunod na araw (Miyerkules), iyon ay araw ng aming NCAE, kaya't wala kaming klase sa mga Asignatura. Noong Huwebes naman, nagkaroon kami ng pagbabahagi sa mga gawa naming takdang aralin. Ang mga napiling magbabahagi ay sina Reneva, Dumip-ig, Perez, at Marasigan. Lahat naman ng pinaghambing nila ay magkapareho ng tema. Natawa lang ako kay Dumip-ig dahil pare-pareho lahat ng dulo niya. Mischievous Kiss at It's Started with a Kiss. Nang dahil sa paulit-ulit ay nahihirapan na siyang mabanggit ito. Pinahihirapan niya lang ang kanyang sarili. Dapat ay gumamit na lang siya ng ito, nito, bersyo nito, niyan. Pero kung sa bagay, ganuon din naman kasi ang ginawa ko. Kaya, sa susunod na lang. Nagkaroon kami ng Gawain kung saan aming ihahambing ang aming mga kaklase gamit ang mga salita na ibinigay. Hindi naman iyon naging mahirap dahil alam na namin ang mga gamit ng mga salita na ginagamit sa paghahambing.
Ngayong Biyernes naman, aming binalikan ang epikong Rama at Sita. Si Darren ang naglahad ng mga kaganapan dito. Nagtanong si Gng. Mixto kung may mga kamag-anak ba kaming nakapag-asawa ng taga ibang bansa, at may mga nagtaas naman. Isa doon si Waren. Iyon daw ay may koneksyon sa gagawin naming ngayon. Sinagutan naming ang Gawain 10 at 11 na pinamagatang Pag-unawa sa Iba at sa Sarili. Sa pag-unawa sa Iba, tumatak sa akin ang tanong ikalawa. Base sa nabasa ko, sinabi ng bidang tauhan doon na ayaw niyang mawala ang kanyang minamahal. Natatakot siya sa kung anong pwedeng mangyari. Kaya't hindi niya namamalayan, may nasasakal na siya. Sa dulo, siya din ang nagsisi sa ginawa niya.
Marami akong natutunan. Tulad na lamang sa unang bilang, kung isip ang paiiralin, papayag ka dahil iniisip mo ang kinabuhayan mo kung may maayos kang buhay. Kung puso naman, hindi ka papayag dahil hindi ka naman magiging masaya sa buhay pag-ibig kung di mo naman siya mahal. Pero sabi nga natin, natututunan naman daw ang magmahal, pero kailan pa? Kung kailan namatay na ang matanda? Paano mo pa mapaparamdam na minahal mo din siya kung patay na. Para sa akin, kung sa akin niya ibibigay ang yaman niya, ibibilin ko na lang na itulong na lang ito sa ibang mas nangangailangan. Dun siya mas magiging masaya. Na kahit matanda na siya ay may nagawa pa rin siyang maganda. Sa ikatlong katanungan naman, para sa akin, ang mga taong nananatiling tapat sa kanilang mga mahal ay matatag ang koneksyon sa Panginoon. Hindi ko masabi kung bakit, pero ito ang unang pumasok sa isip ko.
Sinagutan namin ang pokus na tanong at nagbigay si Gng. Mixto ng takdang aralin.

Biyernes, Nobyembre 14, 2014
Ikalawang Linggo sa Ikatlong Markahan
Ngayong Linggong ito, wala si Gng. Mixto sa aming klase para makapagturo, kung kaya't si Bb. Basbas ang pumalit. Sa kasamaang palad, sa kadahilanang namamaos ang boses ni Bb. Basbas, ipinaubaya niya muna ang pagtuturo sa aming kaklase na si Trixie Usa.
Noong nakaraang Martes, kami muna'y nagbalik-aral sa mga tinalakay nang nakaraang Linggo. Si Warren Fostanes ang nagtaas ng kamay upang magbalik-aral. Nang siya'y matapos na, binuksan na ni Bb. Usa ang aralin na aming tatalakayin sa buong Linggong ito. Ito ay tungkol sa Paghahambing. Nang masilayan ko ang dala niyang visual aids, napasabi na lang ako sa isip ko na "Ay, tinuro na sa'min yan nung Grade 8, eh di dapat balik-aral na lang ngayon" Ganun pa man, napag-aralan na nga, nakalimutan naman. Kaya't nakinig pa rin naman ako habang nagsusulat.
May Dalawang uri ng Kaantasang Pahambing, ito ang Pahambing na Magkatulad at Di- Magkatulad. Ang Pahambing na magkatulad ay ginagamit kung ang dalawang pinaghahambing ay may patas na katangian. Ang Di- Magkatulad na Paghahambing naman ay ginagamit kung nagbibigay ito ng diwa ng pagkakait, pagtanggi o pagsalungat sa pinatutunayang pangungusap. Nahahati pa sa dalawang uri ang Pahambing na Di- Magkatulad, ito ang Pahambing na Palamang at Pasahol, ang Modernisasyon/Katamtaman ay ang kasalukuyang ginagamit natin ngayon, lalong-lalo na sa aming mga kabataan. Nagbigay muna si Bb. Usa ng mga halimbawa nito bago kami. Binigyang pansin ni Bb. Basbas ang tungkol sa kung bakit nagiging "m" ang "ng" sa hulihang bahagi ng kasing na karugtong ng salitang bilis. Pinangatwiranan naman ito ni Bb. Trixie. Sinabi niya na napag-aralan na namin ito noong nasa Ikapitong Baitang pa lang kami. Nagbigay pa ng ibang halimbawa ang aking mga kaklase. Pinaghahambing nila ang kapwa naming mga kaklase, dahilan kaya't ang iba ay medyo naiinis na dahil lagi na lang sila ang subject sa paghahambing.
Pagkatapos namin itong matalakay, nagkaroon kami ng Pangkatang Gawain. Magulo at nagsisiksikan kami sa unahan, kaya naman nagalit si Bb. Basbas. Pinaupo muna kaming lahat tsaka binigay ang panuntunan para sa Pangkat Gawain. Magbibigay kami ng sampung pangungusap gamit ang paghahambing. Dapat mabuo naming ito sa limang minuto. Nang magsimula, puspusan ngunit kalmado ang pagsasagot ng bawat grupo. Ang iba ay natataranta ngunit hindi naman iyon naging dahilan para di matapos ang Gawain. Nang matapos na, agad naming itong tsinekan.
Nagulat ako nangmalian ni Bb. Usa ang unang sagot ng aming pangkat, samantalang tama naman iyon. Ginawa niyang malaking titik ang pangngalan na ginamit at nilagyan ng tuldok sa dulo ng pangungusap. Kung pati iyon ay bibigyan ng pansin, ano kaya ang magiging iskor ng pangkat namin kung sa bawat bilang ay may kamalian? Tatlong puntos lang ang aming nakuha. Ganoon din naman sa ibang pangkat. Pinakamataas na ang apat at pinakamababa na ang dalawa. Binigyan kami ng takdang aralin, ito ay Pangkatang Gawain. Na kung saan, kami'y maghahambing ng dalawang bansa sa Timog Kanlurang Asya.
Nang sumunod na araw, ang bawat grupo ay nag-ulat na ng kanilang natapos na gawain at nabigyan na ng puntos ang mga ito. Idinagdag ang nakuha naming puntos kahapon sa ngayon. Pagkatapos ng pag-uulat, may dalawang pagsasanay ang binigay sa amin. Sa pagsasanay dalawa, aming ipaghahambing ang mga Pangulong sina Corazon Aquno at Gloria Arroyo, gagawa kami ng sampung pangungusap na nagpapakita ng paghahambing sa kanilang dalawa. Sa pagsasanay tatlo naman, gagawa kami ng pangungusap na naghahambing gamit ang mga salita sa nakapaskil. Nang amin iyong matapos, ipinasa namin ito kay Bb. Usa.
Hanggang dito na lamang ang pagbabalik-aral ko para sa Linggong ito. Ang Huwebes at Biyernes ay inilaan para sa aming Dry Run, kung kaya't hindi kami nagklase. Sa susunod na Linggo, mas marami pa kaming matututunan at mas marami pa kaming tatapusing mga Gawain :)

Biyernes, Nobyembre 7, 2014
Unang Linggo sa Ikatlong Markahan
Sa unang araw (Martes) amin nang binigyan ng introduksyon ang Timog Kanlurang Asya. May mga pinasagutan si Gng. Mixto na dapat naming mahulaan ng tama. Ang bawat grupo ay may kanya-kanya pambato para makasagot. Sa ikalawang araw (Miyerkules) tinalakay sa amin ni Gng. Mixto ang Mga Elemento sa Paggawa ng TV/Movie Trailer. Naging maayos naman ito dahil hindi tipikal na nasa silid-aralan kami kundi nagklase kami sa Computer Laboratory ng Paaralan. Doon kami nagklase dahi may pinanuod sa amin si Gng Mixto, ito ang mga Movie Trailer ng ilan sa mga pelikulang galing sa Timog Kanlurang Asya tulad na lamang ng Beat the Drum. Nang mapanood ko ito, parang may pagkakataon na kinukurot nito ang puso ko. Na parang hinihikayat ako nito na panoorin ang pelikula. Maliban dyan, may iba pang movie trailer ang aming napanood, tanging ang Beat the Drum lang ang tumatak sa akin. Matapos namin iyon mapanood, amin nang tinalakay ang Mga Elemento sa Paggawa ng TV/Movie Trailer. Naging maayos naman ito. Ngayon ko lang nalaman na ang sinematograpiya pala ay ang background ng tauhan tulad na lang sa Ilustrado, maganda ang sinematograpiya nito dahil ipinapakita dito ang lumipas na panahon na hindi na namin nasilayan pa. Nakakatuwa lang isipin na matagal ko nang naririnig iyon ngunit di ko pa rin alam ang kahulugan. Isa rin ang storyboard, ngayon ko lang din nalaman na may ganoon pala pag gagawa ng Trailer.
Sa sumunod na araw (Miyerkules). Amin namang tinalakay ang Mga Hakbang sa Paggawa ng TV/Movie Trailer. Syempre kailangan namin itong matalakay para alam namin kung ano ang gagawin. Pero ang spotlight talaga ng natutunan ko dito ay ang iba't-ibang klase ng anggulo ng pagkuha. May mga katawagan din pala ang mga ito. Nakuha nito ang atensyon ko dahil malamang, ako ang magiging camera operator ng aming grupo. May mga dahilan kung bakit ito ganito. Tulad ng sa exteme close up, mata lang ang kinuhanan. Maaaring ito'y may luha o kaya naman nag-iba ng kulay. Nagbigay si Gng. Mixto ng takdang aralin. Kailangan naming mabasa ang epikong Rama at Sita.
Noong Huwebes naman. Nalaman ko na ang pinakamahabang epiko sa buong mundo ay ang Ramaya at Mahabaratah. Sobrang laki ng pagtataka ko doon dahil mayroon itong 124, 000 sunskrit. Nakakalula sa sobrang dami. Maaaring hindi lang isang tao ang gumawa nito, maaaring pinapasa ito at dinudugtungan na lang. Binasa namin ang Rama at Sita tsaka may pinasagutan sa amin si Gng. Mixto patungkol sa aming nabasa. May binigay sa aming takdang aralin na ilalagay sa papel.
Biyernes, wala si Gng. Mixto kaya't si Bb. Basbas ang nagturo sa amin. una naming ginawa ay magbalik-aral sa binasang teksto kahapon. Top 10 ang naatasan na mag-ulat ngunit nang lumagpas pa sa sampu, kinabahan ako dahil baka abutin ako, buti na lang at tinapos din agad ni Jester. Sinagutan namin ngayon ang ilan sa mga katanungan patungkol sa epikong nabasa. Ipinaliwanag muna ito ni Bb. Basbas para hindi na kami tanong ng tanong. May pagkakaiba tayo ng kultura kung sa teksto ang pagbabasehan. Hindi sila pumapatay ng hayop dahil baka sumanib doon ang kaluluwa ng kanilang mga mahal. Patunay dito ay mismong nasa teksto na. Nang mapatay ang gintong usa, doon lang nila nalaman na si Maritsa pala iyon. Kaya mahirap nang pumatay ng hayop o peste sa kanila dahil doon. Ngunit sa atin, makakita ka lang ng ipis, tsinelas agad ang unang pumapasok sa isip mo. Gusto mo silang patayin dahil peste lang sila. Ganun pa man, kailangan nating galangin ang kultura nila.

Lunes, Nobyembre 3, 2014
Ikatlong Markahan na!
Sa Ikatlong Markahan, kami ay magtutungo sa Timog Kanlurang bahagi ng Asya. Ito ang rehiyong pinagtatagpuan ng hangganan ng tatlong mahahalagang kontinente sa Daigdig. Ang Africa, Asya, at Europa. Ito ay binubuo ng mga bansang Arabo tulad ng Saudi Arabia, Lebanon, Jordan, Syria, Iraq, at Kuwait. Kasama rin sa rehiyong ito ang tinatawag naman na Gulf States ng Yemen, Oman, United Arab Emirates, Qatar, at Bahrain. Ang iba pang bansa ay ang Iran, Israel, Cyprus, at Turkey.
Para sa produkto namin sa Ikatlong Markahan, gagawa kami ng dalawang minutong Movie Trailer na sumasalamin sa Kultura ng mga bansa sa Timog Kanlurang Asya. Ito ay pangkatang produkto kaya't ang bawat isa sa pangkat ay makatutulong sa paggawa. Ang aming pangkat ay nakagawa na ng konsepto. Ang konseptong ito ay makatutulong sa paggawa ng iskrip.

Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)