Lunes, Nobyembre 3, 2014

Ikatlong Markahan na!

Sa Ikatlong Markahan, kami ay magtutungo sa Timog Kanlurang bahagi ng Asya. Ito ang rehiyong pinagtatagpuan ng hangganan ng tatlong mahahalagang kontinente sa Daigdig. Ang Africa, Asya, at Europa. Ito ay binubuo ng mga bansang Arabo tulad ng Saudi Arabia, Lebanon, Jordan, Syria, Iraq, at Kuwait. Kasama rin sa rehiyong ito ang tinatawag naman na Gulf States ng Yemen, Oman, United Arab Emirates, Qatar, at Bahrain. Ang iba pang bansa ay ang Iran, Israel, Cyprus, at Turkey.


Para sa produkto namin sa Ikatlong Markahan, gagawa kami ng dalawang minutong Movie Trailer na sumasalamin sa Kultura ng mga bansa sa Timog Kanlurang Asya. Ito ay pangkatang produkto kaya't ang bawat isa sa pangkat ay makatutulong sa paggawa. Ang aming pangkat ay nakagawa na ng konsepto. Ang konseptong ito ay makatutulong sa paggawa ng iskrip.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento