Biyernes, Nobyembre 7, 2014

Unang Linggo sa Ikatlong Markahan

Sa unang araw (Martes) amin nang binigyan ng introduksyon ang Timog Kanlurang Asya. May mga pinasagutan si Gng. Mixto na dapat naming mahulaan ng tama. Ang bawat grupo ay may kanya-kanya pambato para makasagot. Sa ikalawang araw (Miyerkules) tinalakay sa amin ni Gng. Mixto ang Mga Elemento sa Paggawa ng TV/Movie Trailer. Naging maayos naman ito dahil hindi tipikal na nasa silid-aralan kami kundi nagklase kami sa Computer Laboratory ng Paaralan. Doon kami nagklase dahi may pinanuod sa amin si Gng Mixto, ito ang mga Movie Trailer ng ilan sa mga pelikulang galing sa Timog Kanlurang Asya tulad na lamang ng Beat the Drum. Nang mapanood ko ito, parang may pagkakataon na kinukurot nito ang puso ko. Na parang hinihikayat ako nito na panoorin ang pelikula. Maliban dyan, may iba pang movie trailer ang aming napanood, tanging ang Beat the Drum lang ang tumatak sa akin. Matapos namin iyon mapanood, amin nang tinalakay ang Mga Elemento sa Paggawa ng TV/Movie Trailer. Naging maayos naman ito. Ngayon ko lang nalaman na ang sinematograpiya pala ay ang  background ng tauhan tulad na lang sa Ilustrado, maganda ang sinematograpiya nito dahil ipinapakita dito ang lumipas na panahon na hindi na namin nasilayan pa. Nakakatuwa lang isipin na matagal ko nang naririnig iyon ngunit di ko pa rin alam ang kahulugan. Isa rin ang storyboard, ngayon ko lang din nalaman na may ganoon pala pag gagawa ng Trailer.

Sa sumunod na araw (Miyerkules). Amin namang tinalakay ang Mga Hakbang sa Paggawa ng TV/Movie Trailer. Syempre kailangan namin itong matalakay para alam namin kung ano ang gagawin. Pero ang spotlight talaga ng natutunan ko dito ay ang iba't-ibang klase ng anggulo ng pagkuha. May mga katawagan din pala ang mga ito. Nakuha nito ang atensyon ko dahil malamang, ako ang magiging camera operator ng aming grupo. May mga dahilan kung bakit ito ganito. Tulad ng sa exteme close up, mata lang ang kinuhanan. Maaaring ito'y may luha o kaya naman nag-iba ng kulay. Nagbigay si Gng. Mixto ng takdang aralin. Kailangan naming mabasa ang epikong Rama at Sita.


Noong Huwebes naman. Nalaman ko na ang pinakamahabang epiko sa buong mundo ay ang Ramaya at Mahabaratah. Sobrang laki ng pagtataka ko doon dahil mayroon itong 124, 000 sunskrit. Nakakalula sa sobrang dami. Maaaring hindi lang isang tao ang gumawa nito, maaaring pinapasa ito at dinudugtungan na lang. Binasa namin ang Rama at Sita tsaka may pinasagutan sa amin si Gng. Mixto patungkol sa aming nabasa. May binigay sa aming takdang aralin na ilalagay sa papel.


Biyernes, wala si Gng. Mixto kaya't si Bb. Basbas ang nagturo sa amin. una naming ginawa ay magbalik-aral sa binasang teksto kahapon. Top 10 ang naatasan na mag-ulat ngunit nang lumagpas pa sa sampu, kinabahan ako dahil baka abutin ako, buti na lang at tinapos din agad ni Jester. Sinagutan namin ngayon ang ilan sa mga katanungan patungkol sa epikong nabasa. Ipinaliwanag muna ito ni Bb. Basbas para hindi na kami tanong ng tanong. May pagkakaiba tayo ng kultura kung sa teksto ang pagbabasehan. Hindi sila pumapatay ng hayop dahil baka sumanib doon ang kaluluwa ng kanilang mga mahal. Patunay dito ay mismong nasa teksto na. Nang mapatay ang gintong usa, doon lang nila nalaman na si Maritsa pala iyon. Kaya mahirap nang pumatay ng hayop o peste sa kanila dahil doon. Ngunit sa atin, makakita ka lang ng ipis, tsinelas agad ang unang pumapasok sa isip mo. Gusto mo silang patayin dahil peste lang sila. Ganun pa man, kailangan nating galangin ang kultura nila.

2 komento:

  1. Detalyado ang iyong paskil ngunit ang aking binigay ay takdang Aralin (Assignment) at hindi Asignatura (Subject). :)
    Ipagpatuloy ang pagpapaskil at sikaping maayos ang pagkakabuo ng mga pangungusap at impormasyon.

    TumugonBurahin
  2. Pasensya po. Doon po talaga ako nalilito. Sige po, babaguhin ko na lang po. Salamat :)

    TumugonBurahin