Ngayong Linggong ito, nagbalik na si Gng. Mixto sa klase. Kanya munang inalam kung ano nga ba ang mga natutunan namin sa paghahambing noong nakaraang Linggong wala siya. Nagbigay siya ng ilang pahapyaw tungkol dito. Kanya ring ipinaliwanag ang pagkakaiba ng gamit ng pam-, pan-, at pang. Tulad ng pambata at pangbata. Ang pambata ay ginagamit kung ang isang bagay tulad ng manika ay para sa bata. Ang pangbata naman ay ginagamit kung halimbawa ang larong bahay-bahayan ay mga bata lamang ang naglalaro. Pagkatapos ay nagbigay si Gng. Mixto ng takdang aralin na ilalagay sa isang buong papel. Kailangan naming paghambingin ang dalawang movie/palabas na may magkaparehong tema gamit ang pahambing na magkatulad at di-magkatulad.
Nang sumunod na araw (Miyerkules), iyon ay araw ng aming NCAE, kaya't wala kaming klase sa mga Asignatura. Noong Huwebes naman, nagkaroon kami ng pagbabahagi sa mga gawa naming takdang aralin. Ang mga napiling magbabahagi ay sina Reneva, Dumip-ig, Perez, at Marasigan. Lahat naman ng pinaghambing nila ay magkapareho ng tema. Natawa lang ako kay Dumip-ig dahil pare-pareho lahat ng dulo niya. Mischievous Kiss at It's Started with a Kiss. Nang dahil sa paulit-ulit ay nahihirapan na siyang mabanggit ito. Pinahihirapan niya lang ang kanyang sarili. Dapat ay gumamit na lang siya ng ito, nito, bersyo nito, niyan. Pero kung sa bagay, ganuon din naman kasi ang ginawa ko. Kaya, sa susunod na lang. Nagkaroon kami ng Gawain kung saan aming ihahambing ang aming mga kaklase gamit ang mga salita na ibinigay. Hindi naman iyon naging mahirap dahil alam na namin ang mga gamit ng mga salita na ginagamit sa paghahambing.
Ngayong Biyernes naman, aming binalikan ang epikong Rama at Sita. Si Darren ang naglahad ng mga kaganapan dito. Nagtanong si Gng. Mixto kung may mga kamag-anak ba kaming nakapag-asawa ng taga ibang bansa, at may mga nagtaas naman. Isa doon si Waren. Iyon daw ay may koneksyon sa gagawin naming ngayon. Sinagutan naming ang Gawain 10 at 11 na pinamagatang Pag-unawa sa Iba at sa Sarili. Sa pag-unawa sa Iba, tumatak sa akin ang tanong ikalawa. Base sa nabasa ko, sinabi ng bidang tauhan doon na ayaw niyang mawala ang kanyang minamahal. Natatakot siya sa kung anong pwedeng mangyari. Kaya't hindi niya namamalayan, may nasasakal na siya. Sa dulo, siya din ang nagsisi sa ginawa niya.
Marami akong natutunan. Tulad na lamang sa unang bilang, kung isip ang paiiralin, papayag ka dahil iniisip mo ang kinabuhayan mo kung may maayos kang buhay. Kung puso naman, hindi ka papayag dahil hindi ka naman magiging masaya sa buhay pag-ibig kung di mo naman siya mahal. Pero sabi nga natin, natututunan naman daw ang magmahal, pero kailan pa? Kung kailan namatay na ang matanda? Paano mo pa mapaparamdam na minahal mo din siya kung patay na. Para sa akin, kung sa akin niya ibibigay ang yaman niya, ibibilin ko na lang na itulong na lang ito sa ibang mas nangangailangan. Dun siya mas magiging masaya. Na kahit matanda na siya ay may nagawa pa rin siyang maganda. Sa ikatlong katanungan naman, para sa akin, ang mga taong nananatiling tapat sa kanilang mga mahal ay matatag ang koneksyon sa Panginoon. Hindi ko masabi kung bakit, pero ito ang unang pumasok sa isip ko.
Sinagutan namin ang pokus na tanong at nagbigay si Gng. Mixto ng takdang aralin.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento