Ngayong Linggong ito, aming napag-aralan ang tungkol sa Parabula at Talinghaga. Dalawang araw lamang akong nasa klase dahil ako ay naghahanda para sa kompetisyon ng Oration sa Division noong Huwebes at Biyernes.
Noong Martes, pumunta na kami sa panibagong pag-aaralan at tatalakayin. Nagbigay si Gng. Mixto sa amin ng takdang aralin noong nakaraang Biyernes. Ito ay babasahin namin ang isang parabula na nanggaling sa banal na aklat, ang bibliya. Sa katunayan, nang sabihing parabula ang mga kwento sa bibliya, nagulat ako dahil ngayon ko lang nalaman na ang tawag pala doon ay parabula. Na ang akala ko noon, ang parabula ay isa pang katawagan sa pabula. Ngunit magkaiba pala ito.
Hindi muna namin pinagtuunan ang binigay na takdang aralin. Sa araw na ito tinalakay namin kung ano nga ba kahulugan ng parabula at talinghaga. Para sa parabula, nagtaas ng kamay si Agoncillo. Para sa kanya ang parabula ay maikling kwento na nagpapahaya tungkol sa relihiyon at moral na kaisipan. Sumasang-ayon ako sa kanya. Matapos, ay tinanong ni Gng. Mixto kung ano ang kaibahan ng parabula sa pabula. Ang parabula, kagaya nga ng sabi ay maikling kwento na may moral na kaisipan, karamihan nito a matatagpuan sa bibliya, samantalang ang pabula naman ay mga hayop ang ginagamit na tauhan ngunit may aral din naman.
Matapos noon ay ipinaliwanag din namin ang talinghaga. Ang talinghaga ay pangungusap, parirala, o isang salaysay na may malalim o hindi tuwirang kahulugan na kailangang pag-isipang mabuti at maunawaan. Nang maipaliwanag na ito, kami'y nagkaroon ng maikling pagsusulit. Sa ikaapat na bahagi lamang ng papel ito inilagay. Ang pagsusulit ay tungkol sa pagbibigay ng kahulugan sa mas mababaw na salita ng mga salitang may malalalim na kahulugan. Naging madali lang ito para sa akin, at pati na rin sa aking mga kaklase dahil pamilyar na kami sa mga salitang ginamit.
Nagkaroon din kami ng pangkatan ng araw na iyon. May talinghagang napunta sa bawat grupo at ipapaliwanag nila ito. Sinagutan muna naming ang unang halimbawa para magsilbing gabay sa amin. Para sa grupo naming, nagging mahirap ito dahil hindi naming masyadong maintindihan ang talinghaga. Mabuti na lamang at nagawan ito ng paraan ng isa sa aking kagrupo, si Mae Batitia. Hindi natapos ang pangkatan, kaya't ang dalawang grupo ay sa susunod na araw na lamang mag-uulat.
Miyerkules, ipinagpatuloy ang pag-uulat ng dalawang pangkat. Sa pangkat tatlo, si Jennica ang nag-ulat at sa pangkat apat naman ay si Harvey. Ngayong araw na ring ito, binasa na namin ang aming takdang aralin. Naguluhan lang ako sa bandang dulo ng talinghaga. Ang nahuhuli ay mauuna, at ang nauuna ay mahuhuli. Hindi ko mahanap ang mismong gusting iparating nito sa atin. Nagbigay si Gng. Mixto ng takdang aralin. Bibigyan namin ng kahulugang literal, simboliko at espiritwal ang mga salitang ibinigay.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento