Ngayong Linggong ito, wala si Gng. Mixto sa aming klase para makapagturo, kung kaya't si Bb. Basbas ang pumalit. Sa kasamaang palad, sa kadahilanang namamaos ang boses ni Bb. Basbas, ipinaubaya niya muna ang pagtuturo sa aming kaklase na si Trixie Usa.
Noong nakaraang Martes, kami muna'y nagbalik-aral sa mga tinalakay nang nakaraang Linggo. Si Warren Fostanes ang nagtaas ng kamay upang magbalik-aral. Nang siya'y matapos na, binuksan na ni Bb. Usa ang aralin na aming tatalakayin sa buong Linggong ito. Ito ay tungkol sa Paghahambing. Nang masilayan ko ang dala niyang visual aids, napasabi na lang ako sa isip ko na "Ay, tinuro na sa'min yan nung Grade 8, eh di dapat balik-aral na lang ngayon" Ganun pa man, napag-aralan na nga, nakalimutan naman. Kaya't nakinig pa rin naman ako habang nagsusulat.
May Dalawang uri ng Kaantasang Pahambing, ito ang Pahambing na Magkatulad at Di- Magkatulad. Ang Pahambing na magkatulad ay ginagamit kung ang dalawang pinaghahambing ay may patas na katangian. Ang Di- Magkatulad na Paghahambing naman ay ginagamit kung nagbibigay ito ng diwa ng pagkakait, pagtanggi o pagsalungat sa pinatutunayang pangungusap. Nahahati pa sa dalawang uri ang Pahambing na Di- Magkatulad, ito ang Pahambing na Palamang at Pasahol, ang Modernisasyon/Katamtaman ay ang kasalukuyang ginagamit natin ngayon, lalong-lalo na sa aming mga kabataan. Nagbigay muna si Bb. Usa ng mga halimbawa nito bago kami. Binigyang pansin ni Bb. Basbas ang tungkol sa kung bakit nagiging "m" ang "ng" sa hulihang bahagi ng kasing na karugtong ng salitang bilis. Pinangatwiranan naman ito ni Bb. Trixie. Sinabi niya na napag-aralan na namin ito noong nasa Ikapitong Baitang pa lang kami. Nagbigay pa ng ibang halimbawa ang aking mga kaklase. Pinaghahambing nila ang kapwa naming mga kaklase, dahilan kaya't ang iba ay medyo naiinis na dahil lagi na lang sila ang subject sa paghahambing.
Pagkatapos namin itong matalakay, nagkaroon kami ng Pangkatang Gawain. Magulo at nagsisiksikan kami sa unahan, kaya naman nagalit si Bb. Basbas. Pinaupo muna kaming lahat tsaka binigay ang panuntunan para sa Pangkat Gawain. Magbibigay kami ng sampung pangungusap gamit ang paghahambing. Dapat mabuo naming ito sa limang minuto. Nang magsimula, puspusan ngunit kalmado ang pagsasagot ng bawat grupo. Ang iba ay natataranta ngunit hindi naman iyon naging dahilan para di matapos ang Gawain. Nang matapos na, agad naming itong tsinekan.
Nagulat ako nangmalian ni Bb. Usa ang unang sagot ng aming pangkat, samantalang tama naman iyon. Ginawa niyang malaking titik ang pangngalan na ginamit at nilagyan ng tuldok sa dulo ng pangungusap. Kung pati iyon ay bibigyan ng pansin, ano kaya ang magiging iskor ng pangkat namin kung sa bawat bilang ay may kamalian? Tatlong puntos lang ang aming nakuha. Ganoon din naman sa ibang pangkat. Pinakamataas na ang apat at pinakamababa na ang dalawa. Binigyan kami ng takdang aralin, ito ay Pangkatang Gawain. Na kung saan, kami'y maghahambing ng dalawang bansa sa Timog Kanlurang Asya.
Nang sumunod na araw, ang bawat grupo ay nag-ulat na ng kanilang natapos na gawain at nabigyan na ng puntos ang mga ito. Idinagdag ang nakuha naming puntos kahapon sa ngayon. Pagkatapos ng pag-uulat, may dalawang pagsasanay ang binigay sa amin. Sa pagsasanay dalawa, aming ipaghahambing ang mga Pangulong sina Corazon Aquno at Gloria Arroyo, gagawa kami ng sampung pangungusap na nagpapakita ng paghahambing sa kanilang dalawa. Sa pagsasanay tatlo naman, gagawa kami ng pangungusap na naghahambing gamit ang mga salita sa nakapaskil. Nang amin iyong matapos, ipinasa namin ito kay Bb. Usa.
Hanggang dito na lamang ang pagbabalik-aral ko para sa Linggong ito. Ang Huwebes at Biyernes ay inilaan para sa aming Dry Run, kung kaya't hindi kami nagklase. Sa susunod na Linggo, mas marami pa kaming matututunan at mas marami pa kaming tatapusing mga Gawain :)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento